Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"MALU-PET", dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


 



I-WITNESS
Malu-PET!
Host: Sandra Aguinaldo
Airing: January 15, 2022

Kung may isang milyong piso ka, ano ang una mong bibilhin? Siguradong bahay at lupa, pambiyahe sa ibang bansa, o mga mamahaling gamit ang una mong maiisip.

Pero si Gerald Marasigan, ang isang milyong piso, ipinambili niya ng isang… aso.

Pero hindi ito pangkaraniwang aso. Si “Top Boy” ay galing sa isang pure-bred American bully kung saan ang lahi ay nagmula pa sa Amerika.

 

 

At dahil mamahaling aso, metikuloso ang pag-aalaga sa kanya.

 


Bukod kay Top Boy, may-ari rin si Gerald ng isandaang aso, kalahati rito ay alaga niya habang ang iba naman ay naibebenta niya sa iba ring pet lovers.

Hindi rin pahuhuli si Doc Rendz ng Cavite. May alaga naman siyang walong giant poodle na lagpas isang milyon ang halaga sa kabuuan.

 

 

 

Magkakasama ang lahat sa iisang bahay at may nakatokang “dog yaya.”

 

 

Malaking tulong ang trabahong ito kay Marjorie Joy noong kasagsagan ng pandemya dahil ang suweldo niya rito ang bumuhay sa kanyang pamilya.

Pero hindi lang pera ang dahilan kaya niya inaalagaang mabuti ang giant poodles, itinuturing na niya kasi ang mga ito na fur babies.

 

 

Samahan si Sandra Aguinaldo sa pakikipag-bonding niya sa mahal na mga alaga, pero priceless ang sayang dulot sa mga may-ari nito. Higit sa lahat, ang hatid nitong hanapbuhay para sa iba sa panahong mahirap kumita ng pera.

Panoorin ang “Malu-PET” na dokumentaryong ito sa I-Witness ngayong Sabado, January 15, 10:30pm sa GMA!

ENGLISH VERSION

How will you spend 1 Million Pesos?  A new house? Trip to Europe?

For Gerald Marasigan, he spent it for… a dog. “Top Boy” is an American bully from a distinguished pedigree in the US.

Gerald has a kennel in Batangas. Presently, he owns 100 dogs, 50 of these are his own pets. He takes care of them with the help of his 8 employees.

Meanwhile, in Cavite, Dr. Rendz Castillo has 8 giant poodles. All in all, they also amounted to more than a million pesos.

Like Gerald, Dr. Rendz makes sure that his fur babies are pampered by hiring a “dog nanny.”

He owes it to Marjorie Joy who got hired during the pandemic. She admits that the idea of being a nanny to animals is outrageous but she eventually transforms into a fur mom too.

Watch I-Witness as Sandra Aguinaldo, also a fur mom to 2 dogs, immerses with exceptional dogs, breeders, and loyal caretakers.

“Malu-PET” airs this Saturday, 10:30pm in GMA.#