Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Trip down memory lane in the province of Laguna!


BIYAHE NI DREW: MY HOMETOWN LAGUNA
Sunday, January 16, 2022
8:30 PM GTV

  
Sa biyaheng ito, mayroong mga makakasama si Biyahero Drew na maglilibot sa atin sa ipinagmamalaki nilang probinsiya ng Laguna.

 


Ang Kapuso Actress nating si Thea Tolentino may mga nadiskubreng kainan nitong pandemiya sa hometown niya na Calamba, Laguna. Ibabahagi niya ang bulalong nahanap niya na napakalambot ng karne! Nariyan din ang mga burger meal na pasok sa budget.

 


 


 


Ang Miss Universe 2013 Third Runner-Up na si Ariella Arida proud na taga-San Pablo, Laguna. Dadalhin niya tayo sa isa sa Seven Lakes na Sampalok Lake. Siyempre, matitikman din natin ang paborito niyang putahe na gawa sa talong at gata na kulawo.

 


 

 


Kasama rin sa biyahe ang TikTok personality na si John Heron Sandoval. Kilala siya dahil sa kanyang mga paandar na videos sa TikTok. Isa rin siyang tubong San Pablo, Laguna. Ipapasyal naman niya tayo sa Pandin Lake. At ang paborito niyang pasalubong? Ube halaya!

 


 


 


Samantala, may nadiskubreng bagong puntahan si Biyahero Drew sa Laguna. Sinong mag-aakala na may malapit na puntahan kung saan mararanasan ang malamig na Baguio weather? O kung nais mag-chill lang kasama ang pamilya o mga kaibigan, puwedeng dayuhin ang Batis ng Kalikasan. Puwede rito mag-camping, swimming sa ilog at iba’t ibang mga adventure!

 


 


 


 


 


Ready na para sa good vibes at happiness sa Biyahe ni Drew sa Linggo, 8:30PM sa GTV.

-----

Biyahe ni Drew heads to the province of Laguna. With help from proud residents of Laguna namely, dramatic actress Thea Tolentino, Miss Universe 2013 Third Runner-Up Ariella Arida and Tiktok personality John Heron Sandoval, host Drew Arellano explores Sampalok Lake and Pandin Lake. They also share the various dishes the province has to offer such as kulawo and ube halaya.