ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ambulance
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on April 4, 2008 Friday night after Saksi This Friday, letâs follow the plight of one of the most important but also probably the most neglected transport services in the country: the ambulance. In life and death situations, every second is crucial. So what happens when the ambulance that is supposed to bring a patient to the hospital breaks down or does not even arrive? Emergency discovered that many hospital or municipal ambulances are poorly maintained or dilapidated. This problem prodded many to improvise: in La Union, they use hammocks or âkuligkilig" to bring patients to the nearest hospital. In Pampanga, carabaos become a medium of transportation for emergency patients. In the urban areas, the team encountered patients that arrived at the hospital through pedicabs or tricycles. For them, these forms of transportation are faster, cheaper and more reliable and accessible than an ambulance. However, in some places where an ambulance is available, Emergency found out that there are no proper equipment or trained paramedics to aid emergency patients. They say that the ambulance is a reflection of a countryâs health care situation. Join Arnold Clavio as he tackles this important issue in a special episode of Emergency.
Ngayong Biyernes, ating sundan ang biyahe ng isa sa pinakamahahalagang sasakyang rumeresponde sa oras ng Emergency-- ang ambulansya. Bawat segundo, mahalaga para sa taong nasa bingit ng kamatayan. Pero paano kaya kung ang sasakyang magdadala sa mga pasyente tungo sa kaligtasan ay tumirik o hindi makarating? Ganyan ang nangyari sa ambulansyang magdadala sana sa stroke patient na si Mang Leonardo sa ospital. Dahil nasiraan sa daan ang ambulansya bago pa ito makarating, walang nagawa ang pamilya ng pasyente kundi ang mag-abang na lang ng taxi. Nakarating pa si Mang Leonardo ng buhay sa ospital, pero pagkaraan ng ilang araw, pumanaw na rin. Dahil sa kalumaan o kawalan ng ambulansya sa iba't ibang lugar sa bansa, ang mga tao, kanya-kanyang diskarte na lang maitawid lang sa panganib ang kanilang mga pasyente. Ang mga tricycle, pedicab, duyan, kuliglig at maging kalabaw, ginagawa na ring ambulansya. Ang ibang lugar naman na may ambulansya, wala namang paramedics o gamit para sa pasyenteng dadalhin sa ospital. Ang kalagayan raw ng ambulansya ay sumasalamin ng kalidad ng pangangalaga ng kalusugan sa bansa. Kasama si Arnold Clavio, pakinggan ang paghingi ng saklolo ng mga ambulansyang ating inaasahan sa oras ng peligro sa isang espesyal na pagtatanghal ng Emergency

More Videos
Most Popular