ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Cooking ng Pinoy
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on May 29, 2008 Thursday night after Saksi Taste the sumptuous cuisine from the gourmet province of Pampanga. Savor the delicacies from Quezon, a province of cooks. Relish the rich texture of Bulacanâs mouth-watering delights. All these cooked to excellence by Pinoy Kusineros, honed by experience and strengthened by various foreign influences! 100% Pinoy takes you on a yummy gastronomical journey this Thursday as hosts Miriam Quiambao and Joaquin Valdes fill their stomachs with scrumptious Pinoy food prepared by the best cooks in town! Pinoy Kusineros have come a long way with their food preparations, from using clay stoves and wooden ladles to the ultra chic modern kitchens and high-tech tools of culinary school nowadays. The new breeds of kusineros are now called chefs, and they offer new flavors and exquisite cooking for the Pinoy connoisseur. Experience the best of Batangas cooking as Miriam joins the Kulinarya Tour, a project initiated by the Department Of Tourism to promote Pinoy food to local and foreign tourists alike. She gets to meet the top Kusineros of Batangas as they cook the province specialty: Adobong Dilaw and Empanadang Gulay. Miriam also meets Gaita Fores, best known as the âchef to the rich and famous" and considered as one of the top chefs in town today. Despite the reputation, she still aims to promote Pinoy food by infusing it in the menus of her restaurants. Also, hear about Chef Pablo Logroâs inspiring story on how he became a chef without formal training. He even became chef to famous personalities around the globe, including the King of Oman and UKâs Former Prime Minister Margaret Thatcher. Meanwhile, Joaquin goes around the food capitals of Luzon to taste their best native dishes and meets the cooks behind them! Get to know who the best kusinero is in Pampanga, Bulacan and Quezon as they whip up their provinceâs specialty. Indulge yourselves with Bringhe and Tibok-tibok from Pampanga, Sinigno from Quezon and Serkele from Bulacan!
Tikman ang katakam-takam na luto ng mga Pamapangueño. Lasapin ang sarap ng mga pagkain sa Quezon. Busugin ang inyong tiyan sa mga lutuin sa Bulacan. Lahat ng ito, inihanda ng mga pinakamagagaling na kusinero sa ating bansa! Sasamahan kayo ng 100% Pinoy sa isang nakabubusog na paglalakbay kasama sina Miriam Quiambao at Joaquin Valdes ngayong Huwebes! Malayo na nga ang narating ng Kusinerong Pinoy, mula sa paggamit dati ng mga palayok at kawayang sandok sa pagluluto, mga modernong kusina at kagamitan na ang uso at ginagamit ng mga kusinero ngayon! At hindi lang sila basta-basta tinatawag na lamang na kusinero, kundi mga chef! Sasama si Miriam sa Kulinarya Tour, isang proyekto ng Department of Tourism na naglalayong ipalaganap sa mga lokal at dayuhang turista ang kasarapan ng pagkaing Pilipino. Kikilalanin ni Miriam ang mga de-kalibreng kusinero ng Batangas, at titikman ang mga nakalalaway na specialty ng mga Batangueño, tulad ng Adobong Dilaw at Empanadang Gulay. Makikilala rin ni Miriam ang isa sa pinakasikat na chef sa bansa ngayon, si Gaita Fores, tinaguriang âchef for the rich and famous." Bagamat may pangalan na sa industriya, layon pa rin ni Gaita Fores na mapasikat ang pagkaing Pinoy sa pamamagitan ng paghahalo ng lasa nito sa mga international cuisines. Kilalanin din si Chef Pablo Logro, na natutong magluto nang walang pormal na edukasyon sa Culinary Arts. Naging chef siya para sa mga sikat na personalidad sa buong mundo, tulad ng hari ng Oman at ang dating Prime Minister ng Britanya, si Margaret Thatcher! Pupuntahan naman ni Joaquin ang mga probinsya na sinasabing may pinakamasasarap na pagkain sa Luzon at kikilalanin ang mga kusinero sa likod ng mga masasarap na pagkaing ito! Kilalanin ang mga pinakamagagaling na cook mula sa Pampanga, Bulacan at Quezon at tikman ang kanilang mga specialty: Bringhe at Tibok ng mga Pampangueño, Sinigno mula sa Quezon at Serkele naman para sa mga Bulakeño!

Tags: 100pinoy
More Videos
Most Popular