ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Muling subaybayan ang 'Tawid Gutom' sa Front Row


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

FRONT ROW presents Tawid Gutom August 4, 8:40PM sa GMA News TV   Pangingisda ang isa sa mga pangunahing kabuhayan ng karamihang Pilipino sa kanayunan. Ngunit sa kabila ng pag-angat ng Pilipinas bilang ika-walong "Top Fish Producing Country" sa buong mundo, maraming maliliit na mangingisdang inaabot ng gutom. Kaya naman napipilitan silang kumain ng mga delikadong isda para lang itawid ang sikmura nilang kumakalam.     Sa Cavite, madalas kapos ang nahuhuling isda ng mag-amang Ernesto at Gary. Bukod umano sa talamak na illegal fishing sa kanilang lugar, marumi na rin ang dagat dahil ginagawang tambakan ng basura ang mismong dalampasigan. Kaya ang kita na nasa isandaang piso lang kada araw, sapat lang daw na pambili ng tatlong kilo ng bigas. Ang kanilang ulam: butete na hindi mabenta sa palengke. Tatlo hanggang limang beses isang linggo, butete ang ulam ng pamilya. Noon pang 2005, mahigpit na ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang paghuli, pagbenta at pagkain ng butete o puffer fish. Ang laman kasi nito ay may lasong tetrodotoxin na nakamamatay at walang antidote o gamot.   Sundan ang kuwento ng pagtawid ng ilang Pilipino sa gutom na nararanasan ng kanilang pamilya sa FRONT ROW, ngayong Sabado, August 4, 2012 sa GMA News TV Channel 11, 8:40pm.