ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Sagip-Buhay', handog ng Front Row
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inihahandog ng FRONT ROW SAGIP-BUHAY Agosto 11, 2012, 8:40pm sa GMA News TV Muling sumubok sa katatagan nating mga Pilipino ang hagupit ng habagat. Malawak ang pinsalang idinulot, malalim ang sugat na iniwan lalong-lalo na sa mga direktang napinsala nito. Sa kabila ng malungkot na pangyayaring ito, muling nangibabaw ang pagkakaisa at bayanihan. Marami ang hindi nag-atubiling tumulong at nagmalasakit, kahit na nailagay pa ang kanilang sariling buhay sa panganib. Sa kasagsagan ng pananalasa ng habagat, paroo't parito ang ilang rescue teams sa pagsalba sa mga stranded at na-trap na residente. Ang ilan sa kanila, lubog mismo ang sariling bahay pero pinili nilang tumulong sa mga mas nangangailangan. Mapa-kilala o ordinaryong tao, marami ang nakiisa sa mahirap na yugtong ito ng ating kasaysayan. Tunghayan ang iba't ibang kuwento ng kabayanihan sa gitna ng kalamidad sa Front Row ngayong Sabado, Agosto 11, 8:40pm sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular