ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kuwento ni Joyce na may bihirang sakit sa balat, ilalahad sa 'Butterfly Babies'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“Butterfly children,” ganyan kung tawagin ang mga batang nakararanas ng sakit na Epidermolysis Bullosa (EB) o matinding pagsusugat at pagpapaltos ng balat ng katawan. Sa kawalan ng nag-aangkla sa epidermis at dermis ng balat, nagiging marupok ang kanilang balat – maihahalintulad na parang pakpak ng isang paru-paro.



Sa pag-aaral, sinasabing sa bawat 50,000 katao, isa ang may posibilidad na magkaroon ng Epidermolysis Bullosa (EB). Sa Pilipinas, dalawang kaso lamang ng butterfly babies ang naitala. Isa rito si Joyce Morong, onse anyos. Hindi madali para sa kanya ang pakikipagtuos sa hindi pangkaraniwan niyang karamdaman. Dahil wala pa ring lunas, iba’t ibang paraan ang ginagawa ng kanyang pamilya para ibsan ang nararamdaman na kanyang dinadala mula pa pagkabata.

Ngayong Sabado, alamin ang buhay ni Joyce at tuklasin kung paano sa kabila ng kanyang karamdaman, nananatili siya at ang kanyang pamilya na maging positibo sa buhay.

Ang buong kuwento sa Front Row ngayong Sabado, ika-27 ng Abril, 9:45pm sa GMA News TV Channel 11.