ADVERTISEMENT

Public Affairs

'Mga Guhit ni Bunso', ngayong Lunes sa Front Row

Inihahandog ng Front Row
Mga Guhit ni Bunso

ADVERTISEMENT

February 15, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA

Buwan ng Oktubre noong naraang taon, dumaan sa matinding pagsubok ang pamilya ng binatang si Frederick Del Mundo. Si Frederick ang bunso sa walong magkakapatid sa pamilya. Naospital ang kanyang ina dahil sa pneumonia at tuberculosis. Umabot sa mahigit kalahating milyong piso ang mga gastusin sa ospital. Dahil sa pandemya, nawalan ng trabaho ang ilang nakatatandang kapatid ni Frederick pero gumawa pa rin sila ng paraan para magnegosyo at humanap ng sideline para kumita. Kaya para makaambag sa mga gastos, naisip ng bunsong si  Frederick na gumuhit at ibenta ang mga obra niyang charcoal drawings. Marami ang namangha sa galing ni Frederick at bagamat hindi kalakihan ang kanyang kinita sa mga obra, umabot naman sa halos isang daang libo ang nataggap niyang mga donasyon.

Pero sa kasamaang palad, matapos lamang ang isang linggo, binawian ng buhay ang kanyang ina. Hanggang ngayon, patuloy nilang binabayan ang natirang utang na P260,000 sa ospital. Napilitan ding tumigil sa pag-aaral si Frederick dahil sa sitwasyon.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, hindi tumigil sa pagguhit si Frederick para siya ay makaipon at makapag-ambag sa natirang utang at muling makabalik sa pag-aaral.

Sundan ang kanyang kuwento sa Front Row ngayong February 15, Lunes ng gabi pagkatapos sa Saksi sa GMA!