Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

OFW na sumali sa pageant sa Saudi, tampok sa 'Tadhana'


 

TADHANA
 
Kasama si Marian Rivera

Ngayong Sabado
Tampok si Mart Escudero
bilang
SAUDI BEAUTY QUEEN



Sa loob ng mahigit limang taon, pinakaraming bilang ng mga overseas Filipino workers o OFW ang naka-deploy sa Kaharian ng Saudi Arabia. Humigit kumulang 406, 089 ang nakarehistrong OFW sa Saudi noong 2015, ayon sa POEA. Ito ay sa kabila ng mahigpit na batas ng Sariah sa Saudi na nagtatakda ng mga konserbatibong patakaran sa kanilang mamamayan at maging sa mga banyagang nagtatrabaho sa kanilang bansa.

Kabilang sa mga bawal ang homosexuality.

Suki ng mga gay beauty pageant sa Cebu City si Jerry. Kaya't isang malaking hamon para sa kaniya ang pagtatrabaho sa bansang Saudi, nang hindi nabubuking ang tunay niyang pagkatao. At sa oras ng pangangailangan, kakapit siya sa patalim na maaaring magdala sa kaniya sa kapahamakan o kamatayan - ang pagsali sa underground beauty pageant na inorganisa ng mga Filipino sa Riyadh.

Abangan ngayong Sabado ang makulay na totoong kuwentong OFW ni Jerry na gagampanan ng nagbabalik-Kapusong si Mart Escudero, kasama sina Melissa Mendez, Kiko Matos, Yasser Marta, Mara Alberto, Dentrix Ponce at marami pang iba.

Tadhana, kasama si Marian Rivera, 3:15 ng hapon, pagkatapos ng Ika-6 na Utos sa GMA 7. Makisali sa diskusyon online sa social media, gamit ang #TadhanaKontesera.