ADVERTISEMENT

Public Affairs

Hamon ng distance learning, tampok sa 'On Record'!

MGA HAMON NG DISTANCE LEARNING NGAYONG MARTES, MARCH 16 SA ON RECORD PAGKATAPOS NG SAKSI SA GMA7!

 

 

On Record

Airing Date: March 16, 2021

Stressed na ba sa pagsagot ng module ang inyong anak? Alamin kung paano hinaharap ng mga estudyante ngayon ang hamon ng distance learning.

Ang ibang bata ay pag-eehersisyo ang napiling paraan para matanggal ang stress sa pagsagot sa mga module.  Habang ang isang bata ay naisipang mag-meditate para daw mawala ang kaniyang pagod at pagkabagot habang nag-aaral.

ADVERTISEMENT

Sa Manila North Cemetery, isang estudyante ang nakuhanan ng video na nag-aaral sa ibabaw ng nitso. Alamin ang kwento sa likod ng video na ito.

Kilalanin din ang batang maestra sa Zamboanga City na si Axel Guevarra, siyam na taong gulang at Grade 4 student. Tinuturuan niya ang mga kapwa niya bata sa kanilang barangay. Alamin ang komento ng Department of Education sa face-to-face group study na ito ngayong ipinatutupad pa rin sa bansa ang community quarantine.

Abangan ang mga kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa On Record kasama sina Oscar Oida at Mav Gonzales ngayong Martes, 11:30 PM, pagkatapos ng Saksi.

ENGLISH VERSION

The COVID 19 pandemic has resulted to schools shut across the world. Countries worldwide are trying to adjust to the disruptions in the education landscape. This episode discusses how students cope with stress and burnout associated with distance learning. Catch On Record every Tuesday at 11:30 PM on GMA.