ADVERTISEMENT

Public Affairs

On Record

Iba’t ibang kuwento ng pagmamahal, itatampok ng On Record sa bago nitong time slot!

 

ON RECORD MAPAPANOOD NA TUWING LINGGO SIMULA JULY 4, 5:20PM SA GMA!

ON RECORD

Airing Date: July 4, 2021

Bulaklak Para Kay Fidela

Patok sa Tiktok ang video ng 83 taong gulang na si Basilio nang bigyan niya ng bulaklak ang kaniyang 72 taong gulang na maybahay na si Fidela. Nakaratay si Fidella dahil sa sakit. Ang sorpresa ni Basilio ay para ipagdiwang ang kanilang 57th wedding anniversary. Ano ang sikreto ng kanilang matibay na pagsasama?

 

 

Little People, Big Dreams

Height doesn’t matter naman para sa mag-live in partner na sina Quirino Alpos at Barbs Bacala. May dwarfism si Barbs. Namana rin ng apat na taong gulang niyang anak na si Mary ang kaniyang kondisyon. Ang kanilang Tiktok videos na kinagigiliwan ng netizens ay umabot na sa one million views. Alamin kung paano nila hinaharap ang pangungutya ng iba. Ang Kapuso actress na si Jo Berry ay may mensahe sa mag-ina.

 

 

ADVERTISEMENT

Nilo's Back Story

Mag-isa namang itinataguyod ni Nilo Damaso ang kaniyang dalawang anak. Dahil sa karamdaman ay dalawampung taon na siyang hindi makaupo. Pasakit para sa kaniya ang paghiga at pagbangon mula sa higaan. Nahihirapan din siya kapag babiyahe dahil hindi siya makasakay ng jeep. May lunas pa ba ang kaniyang karamdaman?

 


Gratitude Board

Ano ang ipinagpapasalamat mo? Naglagay ang On Record ng Gratitude Board sa dalawang lugar sa Quezon City. Maliban sa mga pasasalamat ay nagsulat din ang ilan ng kanilang mga hiling at hinaing.

 

 

 

Tinanong din naming ang ilan nating Kapuso actors at hosts ng mga ipinagpapasalamat nila sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Abangan ang mga kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa On Record kasama sina Oscar Oida at Mav Gonzales ngayong Linggo, 5:20 PM sa GMA.

 

ENGLISH VERSION


Love transcends all bounds --- time, age, and differences. Witness the tender moment when a husband surprises his bedridden wife for their 57th wedding anniversary. He showed up to his wife's room with flowers. It was captured in video and was uploaded online. Twenty-four-year-old Barbs Bacala who has Dwarfism has found love with a man almost two feet taller than her. People would gawk, but her live-in partner takes charge.

Meanwhile, for 43-year old Nilo Damaso, simple housework can be daunting. He has been sick for 20 years now. His condition is characterized by stiffness and a loss of motion in the back. Despite this, he works hard for his two daughters.

On Record has also launched a gratitude board in different locations in Quezon City. It encourages passerby to write down the things they are grateful for.