Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
On Record

Babaeng nagtamo ng second-degree burn na nagbibigay inspirasyon sa TikTok, bibida sa On Record!


 

On Record
Airing Date: October 12, 2021

MISTERYO SA KWARTO


Sa video na inupload sa TikTok ni Jam Montalbo, makikita ang kaniyang dalawang taong gulang na anak na si Thalia na may itinuturo sa pinto ng kanilang kwarto.  Paniwala ni Jam, bukas ang third eye ng kaniyang anak at posibleng mga elemento at espiritu ang nakikita niya sa kanilang kwarto. Ang TikTok video ay may mahigit one million views na.

Ano ang misteryong bumabalot sa kwarto ng pamilya Montalbo?

 

 
SCARS AND SELF-LOVE

Isang aksidente ang bumago sa buhay ng 18-year-old na si Joanna Sisracon. Nagtamo siya ng second degree burn sa mukha at ulo noong limang buwang gulang pa lang siya. Naging tampulan siya ng tukso dahil sa mga peklat. Nagsuot siya ng peluka o wig at naglagay ng make-up para maitago ang mga ito. Pero dahil sa suporta at pagmamahal ng kaniyang pamilya ay pinili niya na mahalin at tanggapin ang sarili. Ang mensahe niya sa kaniyang 500,000 TikTok followers…embrace your flaws!

 

 
Abangan ang mga kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa On Record kasama sina Oscar Oida at Mav Gonzales ngayong Martes, 11:30 PM, pagkatapos ng Saksi.

ENGLISH VERSION

A mother on TikTok shares a video of her two-year-old daughter, Thalia, frightened and pointing at allegedly a paranormal being inside their bedroom.
Jam Montalbo, explained in her now-viral video that Thalia can sense paranormal incidents. An investigation was set to find evidence of the paranormal claims.

Joanna Sisracon has shown her burn scars in the internet world for the first time by uploading her videos on TikTok. The 18-year-old student suffered second-degree burns when she was five months old. She used to wear a wig and make-up to cover the scars. She has learned to live with her scars and encourages her half a million TikTok followers to embrace their flaws.

Catch On Record every Tuesday at 11:30 PM on GMA.