Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Unli pusit, Korean goodies at iba't ibang food flakes, tampok sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!


 


Pera Paraan
Unli-Pusit, Korean Goodies at Iba’t Ibang Food Flakes!
Date of Airing: October 23, 2021

TAGALOG SYNOPSIS

Kilalanin ang mga negosyante na ginamit ang kanilang diskarte para sa isang kumikitang kabuhayan!

Ang pinakamababang kita sa isang araw ng pamilya ni Matt sa kanilang Korean grocery store ay 10,000 pesos. Itinayo nila ang negosyong ito dahil sa pagkahilig sa mga Kdrama. Ang mga pagkain na madalas mapanood sa mga ito ang naisipan nilang ibenta. At, tama nga ang naging diskarte dahil patok na patok ang kanilang tindahan!

Marami ba kayong tirang ulam? O ang mga anak n’yo ay mapili sa kanilang kinakain? O puwede ring abala sa maraming gawain kaya kinukulang ng oras para sa pagluto ng ulam? Natuklasan ni Susan ang iba’t ibang flavor ng food flakes! Kagaya lang ng binagoongan na hindi naubos ng inyong anak, aba, gawing binagoongan flakes para hindi masayang! Ano pa kaya ang ibang ulam na puwedeng gawing flakes?

At, sinong mag-aakala na ang pusit ay puwedeng magdala ng swerte sa iba’t ibang paraan? Kagaya lang ni Boyboy na isang mamumusit. Bumibiyahe ng tatlo hanggang apat na oras para makahuli ng dambuhalang pusit. Pero si Boyboy, naging vlogger na rin? Alamin ang kwento niya!

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan sa bago nating time slot tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!

ENGLISH SYNOPSIS

Discover a family’s Korean grocery store business that is earning big. Or how about maximizing leftover food and turn these into food flakes? Lastly, who would have thought that the squid can bring so much luck to several entrepreneurs? In fact, a fisherman who also catches squid, also made a profit by posting videos of his squid endeavors.