ADVERTISEMENT

Public Affairs

Panalong boodle fight, buko goodies at weird food combos, bibida sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!

Pera Paraan
Panalong Boodle Fight, Buko Goodies At Weird Food Combos

Date of Airing: April 23, 2022

Kilalanin ang mga madiskarte at maparaang negosyante!

 

 

Kapag kainan ang usapan, mapapalaban ka talaga sa boodle fight! Kaya ito ang naging bida sa negosyo ng dating OFW na si Lilian. Pero ang inihahanda niya, ibang laban ang binibigay sa kanyang mga customer. Dahil hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlong level ang boodle fight ni Lilian!

 

ADVERTISEMENT

 

Ang batang entrepreneur naman na si Janiel lumaban din sa negosyo gamit ang kanyang ipon na 1,500 pesos. Napalago niya ang kanyang halo-halo business at kumikita na siya ngayon ng halos 50,000 pesos bawat buwan. Ang kanyang sikreto? Halo-halo flavors na may bacon, itlog na maalat at isda!

 

 

Binigyan naman ng bagong anyo ni Daryl ang kanyang kainan ngayong panahon ng pandemiya. Puwede na ring mag-summer outing ang buong pamilya habang tinitikman ang iba’t ibang buko dishes niya gaya ng chicken binakol at buko pansit. Sugal daw talaga ito noon pero wagi naman siya  dahil ang dating kinikita na 50,000 pesos ay naging 250,000 pesos na kada buwan.

 

 

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!