ADVERTISEMENT

Public Affairs

Cheesy Negosyo, Bonggang Bagoong at Patok na Suka, tampok sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!

Pera Paraan
Cheesy Negosyo, Bonggang Bagoong at May Pera sa Suka!

Date of Airing: June 11, 2022

Heto ang mga madiskarteng negosyante na ang mga negosyong simple ginawang bongga!

 

 

 

Magkapatid at magka-sosyo sa negosyo sina Kelsey at Kelshia. Ang kanilang negosyo? Cheesy beef nacho bake! Talaga namang cheesy ito dahil mayroon itong tatlong layer ng keso - cheese sauce, grated cheese at ang kanilang signature cheese drizzle. Kahanga-hanga ang magkapatid dahil kumikita na sila ng halos 50,000 pesos kada buwan kahit nasa high school palang sila!

 

 

ADVERTISEMENT

 

Ang kinikilalang Tiktokerist na si Sili Queen at ang kanyang partner, mayroon namang bonggang bagoong business. Recipe ng nanay ng partner niyang si Lando ang ginagamit nila para sa kanilang mga bagoong. Mayroon pa silang iba’t ibang flavor na gaya ng aligue, bangus belly, chicken, pork at chili garlic.

 

 

 

Samantala, ang pamilya ni Patrick umasenso ang buhay nang dahil sa suka. Kakaibang timpla ng suka ang nabuo nila noong 2018. Isang daang bote lang ang nagagawa nila dati pero ngayon umaabot na sa halos 3,000 bottles kada buwan! Sa katunayan, kumikita sila ng halos 80,000 pesos bawat buwan sa pagbebenta ng suka.

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!