Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pina-bonggang Klasik Treats, Empleyadong Negosyante at Pancit Wins, tampok sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!


Pera Paraan
Pina-bonggang Klasik Treats, Empleyadong Negosyante At Pancit Wins!
Date of Airing: June 18, 2022

Ibabahagi ng ating madidiskarteng negosyante ang kanilang winning tips ngayong Sabado!

 

 

Ang kakaibang taho na inihahain nina Jessica at Marvin, mahirap daw ibenta noong una. May mga halo kasi itong ice cream, gatas at iba pa. Kaya pinag aralan nila ang kanilang produkto at pinatikim sa kanilang mga kamag-anak. Dalawang buwan inabot ang kanilang trial and error sa pagbuo ng milky taho. Ngayon ang 5,000 pesos na puhunan naging 6 digits na kita bawat buwan.

 

 

Nahirapan naman ang millennial entrepreneur na si Luke sa paghahanap ng mga supplier para sa business niya noong kasagsagan ng pandemiya. Pero hindi siya sumuko at nagtiyagang ipursige ang produkto niyang pala-bun o palabok in a bun. Buti na lang, palaban itong si Luke dahil kumikita na siya ng 15,000 pesos kada buwan.

 

 

Si Regina naman bumitaw sa pagiging empleyado at naisipang magtayo ng negosyo. Hindi ito naging madali dahil kung anu-ano muna ang sinubukan niya bago itayo ang kanyang bubble egg waffle business. Ayon sa kanya, hawak na niya ang kanyang oras habang mayroon siyang quality time para sa kanyang pamilya. Kasama pa rito ang kinikita niyang 6 digits kada buwan mula sa negosyo.

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!