ADVERTISEMENT

Public Affairs

Lucky Chinese food, tikman sa 'Good News'!

Good News Kasama si Vicky Morales
February 8, 2021

Lucky Food with a Twist!

Ngayong Chinese New Year, misyon ni Maey B ang maghanap ng mga pampasuwerteng pagkain na may kakaibang linamnam. Sa kaniyang paglalakbay, napadpad siya sa Greenhills, kung saan niya natikman ang hakaw na may 8 different flavors! Sa Quezon City, bida naman ang Thai-inspired na Mango-Ube Sticky Rice. Para sa kakaibang dessert, sinubukan din ni Maey ang Chocolate Buchi. Pasok ding pang-meryenda ang kakaibang combo ng Burger Siopao.



 

Takam sa Tikoy

ADVERTISEMENT


Ang tikoy na laging present tuwing Chinese New Year, bibigyan natin ng bagong bihis at linamnam. Tikman ang Japanese-style na Tikoy-Yaki. Mag-aagaw naman ang tamis at alat sa Luncheon Meat-Filled Tikoy. Para sa tikoy desserts, umaariba ang Chokoy--ang tikoy na may chocolate chips--at ang Lumpiang Tikoy with Peanut Butter.


Feng Shui for You!

Alamin ang dapat gawing ayos ng tahanan para tuluy-tuloy ang daloy ng suwerte ngayong taon. Bawat bahagi ng bahay, ating bubusisiin para makontra ang bad energy. Hatid din ng ating feng shui expert ang payo para sa bawat Chinese zodiac sign.