ADVERTISEMENT

Public Affairs

Perfect food trip para sa summer season, subukan!

Good News Kasama si Vicky Morales
March 8, 2021

Go sa Gulay!

Para magkaroon ng healthy diet, ang Good News Kusina na ang bahala sa masusustansyang recipes na pampamilya. Subukan gawin ang nakatatakam na homemade meals gaya ng Eggplant Fries, Ginisang Corned Beef with Vegetables, American Skillet Breakfast at Sinabawang Isda with Alugbati.

 

 

Larga na!

ADVERTISEMENT

Swak ngayong tag-init ang mga pasyalang madali lang puntahan at nagsasagawa ng physical distancing! Para sa unforgettable glamping experience, tumungo sa Cavinti, Laguna. Hatid naman ng Bolinao, Pangasinan ang workation by the beach. Sa Maragondon, Cavite, bida ang resort na magbibigay sa inyo ng break mula sa social media.


Food Trip sa Tag-Init!

Anu-ano ang masarap subukan ngayong malapit na ang tag-init? Tikman ang hot na hot na flavor ng ice cream mula Bicol--ang sili ice cream! Para sa refreshing fruity dessert, hindi magpapahuli ang aming nadiskubre--ang Langka Cheesecake. Hindi na bago sa atin ang samgyupsal, pero kung lalantakan ito sa gitna ng farm, siguradong mapapadami ang inyong kain.