ADVERTISEMENT

Public Affairs

'Good News,' nagtayo ng community pantry!

Good News Kasama si Vicky Morales
May 3, 2021

Food Fusion

Mga pinagsamang pagkain, hatid ang kakaibang linamnam. Ang paborito nating ice cream at ang masarap ulamin na Buffalo Chicken Wings, ginawan ng combo na hit ngayong tag-init. Pati ang milk tea na hindi nawawala sa uso, bagay palang isangkap sa kakaibang donut. Para naman sa Pinoy fusion merienda, tikman ang tamis ng Bibingka Cheesecake.

 

Malunggay High

Ang malunggay na very affordable, siksik sa sustansyang mahalaga ngayong pandemya. Kaya alamin natin ang mga bagong recipe na sinangkapan nito. Gawing mas healthy ang almusal sa pagluluto ng Malunggay and Longganisa Omelette. Perfect naman 'pag umuulan ang Malunggay and Ginger Beef Soup. Ang bunga ng malunggay, masarap ding lasapin sa ginisang version nito.

 


 

ADVERTISEMENT

Good Vibes Virus!

Kung may virus man na hatid ang good news ngayong pandemya, 'yan ang nakahahawang pagtatayo ng community pantry sa iba't ibang bahagi ng bansa. Kilalanin ang orihinal na nagtayo ng inisyatibong ito sa Quezon City, at alamin kung paano ito lumago bilang isang nationwide virus. Sinilip din namin ang ibang mga community pantry na nagbibigay pag-asa sa ating mga kababayan, kabilang na ang Good News Community Pantry.