ADVERTISEMENT

Public Affairs

Good news

Yummy talong treats, leveled-up foods, katapatan sa gitna ng pandemya tampok sa ‘Good News’!

Good News Kasama si Vicky Morales
August 23, 2021

Leveled-up Foods

Para mapansin ang negosyo, dapat leveled-up ang mga produkto! Silipin ang mga food business na tampok ang kakaibang desserts. Para sa leveled-up version ng taho, subukan itong chilled na may sari-saring flavor. Ang simpleng leche flan--ginawang 4 flavors in 1. Kung may sweet tooth pero binabantayan ang kalusugan, subukan ang cream cheese muffins na sinangkapan ng kalabasa. At para sa biko na hindi nakauumay, ang topping nito, hindi latik, kung di Tiramisu.

 

 

Talong Treats

ADVERTISEMENT

Ang talong, hindi lang pangtorta ang linamnam. Kasama ni Maey B, aalamin natin ang mga recipe na hindi magpapatalong, este, magpapatalo sa sarap at sustansya. Subukan ang terrific talong dishes gaya ng Talong Rolls, Talong Bulgogi, Talong Pizza, at ang nakaiintrigang Talong Brownies.

 

 

Katapatan sa Gitna ng Pandemya

Ngayong panahon ng pandemya, matindi ang pangangailangan ng marami nating mga kababayan. Sa gitna ng pagsubok, mananaig pa ba ang kanilang katapatan? Para malaman ang sagot, kinasabwat namin ang nanay na kunwari'y makaiiwan ng grocery bag sa pampublikong lugar. May magbabalik kaya ng kaniyang naiwan?