Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Good News

Modernong tahong recipes, bite-sized delicacies at cheap DIY home essentials, tampok sa Good News!


Good News Kasama si Vicky Morales
September 20, 2021

Kain ng Kulay

Para lalo kayong ganahan, hatid ni Maey B ang mga pagkaing hindi lang malinamnam kungdi kaaya-aya pa sa paningin. Subukan ang Dumaguete delicacy na silvanas na ginawang bite-size at may iba't ibang flavors gaya ng chocolate, matcha at ube. Mahilig ba kayo sa egg tarts gaya ni Maey? Huwag palampasin ang egg tarts na may fruit toppings gaya ng strawberries at kiwi. At kung tinapay naman ang hinahanap-hanap, tikman ang very colorful na fairy wand bread.

 

Isang Tahong, Isang Sagot!

Ang tahong na malinamnam, umaariba sa Good News kusina sa iba't ibang mga paraan. Subukan ang mga modernong tahong recipe na siguradong magugustuhan ng buong family. Ilista na ang mga sangkap para sa Sizzly Spicy Tahong, Apritadang Tahong at Baked Cheesy Tahong.

 

 

DIY Home Essentials

Kasama sa pandemic essentials ang self-care activities gaya ng pagpapaganda ng tahanan. Bukod sa pagiging plantito't plantita, marami rin ang abala sa DIY home projects. Para tulungan kayong makatipid, hatid ng good news ang ilang mga proyektong pwede n'yong subukan. Mula sa mga lumang gulong, pwedeng makagawa ng upuan. Gusto n'yo ba ng rattan basket? Kaya 'yan gawin gamit ang lumang shoebox. Para naman sa storage bucket na pang-display, gagamit tayo ng lumang timba.