ADVERTISEMENT

Public Affairs

Spicy 'Takobomb', teeth tips at kuwento ni Tatay Aga, abangan sa Good News!

 

Good News Kasama si Vicky Morales

February 26, 2022

Kakasa ka ba sa TakoBomb?

Para sa Kakasa ka ba? Challenge, tinipon ni Maey B ang mga challenger na mahihilig sa maanghang. Ang isa kasing takoyaki cart sa Pampanga, handang magbigay ng P10,000 sa kung sinuman ang magtatagumpay sa kanilang TakoBomb challenge. Ang mga takoyaki, pinalamanan ng pinakamaanghang na sili sa buong mundo. Sino kaya ang magwawagi?

ADVERTISEMENT

Teeth Tips

Si Endret na nawalan ng ngipin dahil sa aksidente sa bike n'ung bata siya, ngayo'y trending na dahil sa nakatatawang videos na ipinapakita niya sa TikTok. Pero ang tanong niya sa Good News, paano aalagaan ang natitira niyang mga ngipin? Kasama ang isang eksperto, ibabahagi namin ang tips kung paano mapanatiling malusog at malinis ang inyong mga ngipin.

Kagitingan ni Tatay Aga

Sa kabila ng pagiging paralisado ng kalahati niyang katawan, patuloy si Tatay Aga sa pagpupursigi sa buhay. Araw-araw siyang nakikipagsapalaran sa kalsada para magbenta ng basahan. Kaya namang hinahangan siya ng kaniyang pamilya't mga suki. Alamin ang kanyang kwentong puno ng inspirasyon at kung ano ang aming sorpresa kay Tatay Aga.