Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pa-mime lang po, daddy byuti at save the amazing aspin sa 'Good News' ngayong Sabado!


 

 

Good News Kasama si Vicky Morales

June 25,  2022

Pa-Mime na lang po!

Kilalanin ang isang mime artist na sikat ngayon sa Baguio. Dahil sa kakaiba niyang diskarte sa pagpapatawa, pati sa Tiktok, siya'y umaariba. Pero sa likod ng kanyang pagkokomedya ay ang malungkot na pangungulila.

Amazing Aspin at Puspin!

Ang mga aso't pusa na naglipana sa kalsada, salat na nga sa pagmamahal, at kung minsan pa'y sinasaktan ng iba. Buti na lang at may mga Good Samaritan na kumakalinga sa kanila. Kilalanin ang mga kapuso nating may puso para sa mga aspin at puspin.

Daddy Byuti!

Kilalanin si Rizal, ang tatay na hindi ikinahihiya ang kaniyang pagka-beki. Dahil sa kaniyang sipag at pagmamahal sa pamilya, talaga namang love na love siya ng mga anak at asawa. Pero bakit nga ba niya napiling maging tatay?