Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lechon roll na mabibili sa halagang 99 pesos, tampok sa 'Good News' ngayong Sabado!


 

 

 

Good News Kasama si Vicky Morales
December 3, 2022


Affordable Lechon
Pang-affordable Noche Buena ang aming natikman na mga lechon. Subukan ang lechon roll rice meal na may unlimited Java rice, gravy at sabaw for only 99 pesos. Perfect namang panghanda ang buy 1, take 1 na lechon manok na ubod ng sarap ang timpla. Alamin kung saan mabibili ang mga ito.

 
 
 
 
Astig na mga Tricycle
Umaarangkada ang mga imbensyong hatid ay ginhawa. Sakay na sa kotseng gawa sa drum ng tubig na likha ng isang magbabalut. Problema ba ang baha? To the rescue ang Tikling Tricycle na sa mataas na tubig, kayang-kayang lumusong.
 
 
 
 
Chikiting Champs
Kilalanin ang mga chikiting na bigatin sa galing. Si Justine, nagpupursigi bilang honor student para maiahon ang pamilya mula sa kahirapan. Ito rin ang kwento ni Bince, na international chess champion mula Albay. Ang kanyang pakay, maging grandmaster para raw umangat ang kanilang buhay.
 

 

Walang Noche Buena?
Sa isang social experiment, magpapanggapo nag mag-lola na kulang ang pambayad nila sa noche buena. Pagdating sa kahera ng grocery store, magdadrama ang dalawa na bitin ang pera. Sa hirap ng buhay ngayon, may tutulong kaya sa kanila?