Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
i Juander

Mga modernong dalagang Pilipina, kilalanin sa 'i Juander'


I Juander, ano na ba ang dalagang Pilipina sa panahon ngayon?

Kamakailan lang, sumikat sa bayan ni Juan ang kantang “Dalagang Pilipina.” Pero kung dati, inilalarawan sila bilang mahinhin, matipid kung ngumiti at hindi makabasag pinggan, ngayon kayang-kaya na nilang makipagsabayan sa mga kalalakihan. Gaya na lang ni Hannah na isang sundalo at siyang kauna-unahang Tausug-Muslim na naging Military Professor sa Armed Forces of the Philippines. At si Ericka na pinili namang pasukin ang larangan ng weightlifting at ngayo'y miyembro na ng National Team.



Maituturing daw na “The One That Got Away” ng bayaning si Jose Rizal si Leonor Rivera. Kaya para hindi matulad sa naunsiyami nilang pag-iibigan, ang mismong apo ni Leonor na si Charmaine, gumawa raw ng first move para magkakilala sila ng kanyang churchmate noon na si Michael. Negatibo man sa tingin ng iba, ang mahalaga raw, engaged na ngayon sina Charmaine at Michael.



At para alamin kung ano na nga ba ang maituturing na dalagang Pilipina sa modernong panahon, isang grupo ng mga eksperto at mga millenial ang maghaharap-harap para sa isang diskusyon.



Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na bigyang kasagutan ang tanong na ito ni Juan. Tumutok sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.

ENGLISH VERSION

The song “Dalagang Pilipina” became popular recently. In the old times, Filipina maidens are described to be modest, shy, prim and proper, but now Filipinas can do what men can. Hanna is a soldier, she is the first Tausug-Muslim that became a Military Professor in Armed Forces of the Philippines. While Ericka, chose to enter the field of weightlifting and now a member of the National Team. 

She is known as Jose Rizal’s “The One That Got Away”. Leonor Rivera’s relationship with Rizal ended when she obeyed her parents to an arranged marriage. Unlike her grandmother Leonora, Charmaine made the first move and introduced herself to her church mate Michael. This might seem unlikely for a lady, but she is thankful with what she did, because now Charmaine and Michael are engaged. 

And in order to understand the traits of a Filipina in the modern times, a group of experts and millenials are faced in a discussion.

Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario this Wednesday, in I Juander, eight o’clock in the evening on GMA News TV!