ADVERTISEMENT

Public Affairs

I Juander

Susan Enriquez at Mark Salazar, mapapasabak sa IJUANDER challenge!

Talaga namang lumabas ang pagka-competitive ni Juan sa 2020 Tokyo Olympics. Pero maging si Susan Enriquez, marami na ring hamon na hindi inurungan sa nakalipas na isang dekada. Gayun din ang kanyang real life bestie na si Mark Salazar mula nang maging official ka-Juander siya.

 

 

Mula sa paligsahan sa paghula sa iba't-ibang luto ng noodles, pahusayan sa paggawa ng tornado omelette, paghula sa mga pampalasa, hanggang sa paunahang magbalot gamit ang dahon ng saging, challenge accepted yan kina Mark at Susan.

 

 

ADVERTISEMENT

Sa sampung taon ng I Juander, pagdating naman sa mga pagsubok na hinahamon kay Susan, aba wala siyang inaatrasan. Kaya naman babalikan natin ang ilan sa mga hindi niya malilimutang pagsubok na kinasa niya. Kasama na riyan ang sumubok sa kanyang fear of heights! Makakayanan niya kayang umakyat sa spider web o aatras siya sa lula?

 

 

Puputok naman ang mga batok ng mga susubok sa susunod na laban. Kakasa ka ba sa unli balut eating challenge sa loob lamang ng limang minuto? Ito ang kakaibang gimmick na naisip sa General Santos City para pumatok ang kanilang kainan!

 

Balikan lahat ng 'yan ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 PM sa GTV.