ADVERTISEMENT

Public Affairs

IJuander

I Juander, ano ang iba’t ibang uri ng magic sa bayan ni Juan? Abangan ‘yan sa IJuander!

I JUANDER, ANO ANG IBA'T IBANG URI NG MAGIC SA BAYAN NI JUAN?

Sa kasagsagan ng pandemya, isa ang magic sa mga sining na tila nag-disappearing act. Kagaya kasi ng ibang mga performer, nawalan din ng raket ang mga magician.


Sa pagpepe-perform sa entablado, kumikita raw noon si Reuben ng hanggang P50,000. Pero nang ipatupad ang lockdown, naglaho rin daw na parang bula ang kanyang ikinabubuhay. Pero back in business na raw si Reuben sa pamamagitan ng pagma-magic online.

ADVERTISEMENT

 

Gayundin si Justin “The Mental Assassin” na may kakayahan daw na bumasa ng isip. At para patunayan na “legit” ang kanyang kakayahan, sina Susan Enriquez at Mark Salazar mismo ang sasalang sa kanyang virtual mentalism trick! I Juander, kaya nga kayang ipasa ni Justin kay Susan ang six digit code ng kanyang cellphone, sa pamamagitan lang ng kapangyarihan ng isip?

 

 

Bilang isang magic creator, si Ron Salamangkero raw ang nasa likod ng ilang mga sumikat na magic trick. Mayroon din siyang mga trick na tanging siya lang daw ang nakakaalam. I Juander, maturuan kaya niya sina Susan at Mark o baka naman epic fail ang kalabasan? Card tricks ang ituturo niya kay Mark at magic rope trick naman ang kay Susan.

Kilalanin din ang world class magician na si Carl, na matapos gumawa ng pangalan sa Dubai, nagpasyang umuwi sa Pilipinas para maghanda sa isang malaking pagtatanghal. Pero pagkatapos magpundar ng milyon-milyon sa kagamitan, naudlot naman ang kanyang plano dahil sa pandemya. Paano kaya siya nakabangon at nakabawi na parang magic?

Abangan lahat ng 'yan ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 PM sa GMA News TV at alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, ano ang iba't ibang uri ng magic sa bayan ni Juan?