ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagdami ng biktima ng 'Jowa Scam,' siniyasat ng 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
IMBESTIGADOR
Airing date: March 31, 2013

MANTIKEEEW

Sa Pandacan, Maynila, ilang tindahan ng mantika ang igigisa sa sarili nilang mantika! Paano ba naman kasi huli sa akto silang paulit-ulit na nagsasala, nagluluto at nag-iimbak ng gamit na mantika. Mistulang sineryoso nila sa ibang paraan ang panawagang reuse at recycle. Kung malaman ninyong paulit-ulit na ginamit ang nabili niyong mantika, tiyak kukulo ang dugo ninyo!

“JOWA SCAM”  

Isang kakaibang modus ang lumalaganap sa internet at mga babae ang target! Mga kababaihang umaasang makahanap ng pag-ibig online, pagdurusa pala ang kahaharapin! Matapos makipagkilala ang mga suspek sa pamamagitan ng chat o email, hanggang mapa-ibig ang mga biktima, isang malaking patibong ang naghihintay. Ang suspek, mangangakong padadalhan ng package o di kaya ay paaasahing pupunta ng Pilipinas para maka-eyeball ang biktima. Pero magdadahilan ang suspek, sabay hihingi ng tulong at huhuthutan ang babae. Kapag naipadala na ang perang kailangan niya, bigla na lamang silang maglalahong parang bula!

Huwag palampasin ang  Imbestigador  ngayong Linggo sa GMA 7 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.