Impostora ni Ehra madrigal, tutugisin sa tulong ng 'Imbestigador'
Imbestigador
Airing Dare: April 14, 2013
IMPOSTORA
Sa pagsikat ng social networking sites, ginagawa na rin itong paraan sa online selling. Ang diskarte ng ilang online sellers, manghikayat ng artista para i-endorso ang kanilang produkto kapalit ng pagbibigay nila ng produkto sa modelo. Sa kasamaang palad, naging paraan na rin ito ng panibagong panloloko. Kamakailan, dumulog sa Imbestigador ang magkaibigang Dianne at Lisa, kapwa naglalako ng bags online. Ayon sa kanila, isang nagpakilalang “Ehra Madrigal” daw ang humingi sa kanila ng iba’t ibang produkto kapalit ng kanyang pag-endorso. Pero sa kanilang sariling pag-iimbestiga, napag-alaman nilang hindi tunay na Ehra Madrigal ang nakikipag-transaksyon sa kanila. Mabisto kaya ng tuluyan ang impostora?
PAGBAWI KAY BABY
Limang taon nang nangungulila si "Liza” sa kanyang anak. Dalawang taong gulang pa lamang ang bata nang mawalay daw ito sa kanya. Pinagkatiwalaan daw niya ang isang kaibigan nang ibilin niya ang anak pero ibinigay naman ng kaibigan sa iba ang bata ng hindi niya nalalaman! Mula noon, hindi na nakita pa ni “Liza” ang anak. Muli kayang mabawi ni “Liza” ang anak na matagal na niyang hinahanap?
Huwag palampasin ang Imbestigador ngayong Linggo sa GMA-7 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.