ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paninirang puri sa internet, tatalakayin sa 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

IMBESTIGADOR
Airing Date: May 12, 2013

SUSPECT : TATAY

Sa edad na siyam na taong gulang, nagsimula siyang makaranas ng pang-aabuso. Hanggang tuluyan siyang gahasain sa kanyang murang edad. Ngayon, sa edad na dose anyos, buntis si “Ana”, di niya tunay na pangalan. Ang salarin: ang sarili niyang ama. Mangibabaw pa rin kaya ang pagiging magkadugo o ipahuhuli niya ang amang lumapastangan sa kanya?

PANINIRANG-PURI ONLINE

Mabilis ang daloy ng impormasyon sa internet. Pero ‘ika nga, “think before you click” dahil hindi lahat ng nakikita o nababasa rito, totoo. Sa ibang pagkakataon, pwede ka pang mabiktima ng paninirang puri online. Tulad na lang ni Exequiel, ipinakalat sa social media na isa siyang rapist at lahat pinag-ingat na baka sila mabiktima. Sirang-sira na raw ang kanyang pangalan sa pamilya, mga kaibigan at kakilala. Maging ang mga kilalang tao, nabibiktima rin. Sa isang malaswang fan page, ginagamit ang mga larawan ng Kapuso star na si Marian Rivera upang makapang-akit ng followers. Nilinaw ni Marian Rivera na wala siyang kinalaman sa naturang fan page at mariin niyang itinanggi na siya ang nasa ibang larawan. Maparusahan kaya ang mga nasa likod nito?

Huwag palampasin ang  Imbestigador  ngayong Linggo sa GMA-7, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.