Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga posisyong for sale, tatablahin na ng 'Imbestigador'


Imbestigador
Airing Date: October 20, 2013

 
KIKIL
Mataas na posisyon sa gobyerno kapalit ng milyong piso—ito ang sumbong na idinulog sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ng mga biktimang inalok umano ng puwesto sa gobyerno. Ang mga suspek, nagpakilalang may koneksyon daw sa ilang opisyal ng pamahalaan. Basta may perang pampadulas, mailuluklok ka raw sa puwestong nais mo! Pero matapos magbigay ng malalaking halaga ng pera, nganga ang mga biktima sa inasahang trabaho. Sino ang tinutukoy na koneksyon? May kinalaman ba siya sa umano’y panggagantso? Hindi lang ibibisto kung ano ang totoo,  titimbugin na ang mga manloloko!
 
SAGIP!
Tadyak, suntok, bugbog. Babaeng may karamdamang pangkaisipan, biktima pa ng kalupitan. Aktong nakunan ng isang concerned citizen at agad inilapit sa Imbestigador Sumbungan ng Bayan ang kalunos-lunos na sinapit ng isang babae sa kamay umano ng sarili niyang tiyahin. Paghampas sa pamamagitan ng yantok, pananabunot, pag-untog sa semento ang ilan sa makapanindig na laman ng video. Oras nang sagipin ang biktima at pagbayarin ang may kagagawan sa ‘di makataong kalupitan.
 
Huwag palampasin ang  Imbestigador ngayong Linggo, 9:15 ng gabi sa GMA-7 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!
LOADING CONTENT