ADVERTISEMENT

Public Affairs

Masayang kompetisyon, nauwi sa malagim na krimen

Dalawang babaeng kalahok sa paligsahan sa Siquijor, biglang pinagsasaksak ng isang lalaki!

 


Ika-2 ng Abril taong 2017, nagtipon-tipon ang mga kalahok sa “longboarding” sa isang beach resort sa bayan ng San Juan, Siquijor. Kasama sa mga sumali ang magkaibigang sina Lorraine Ramirez at Jan Nicole Pinero.

ADVERTISEMENT


Walang nag-akalang ang masayang pagtitipon, mauuwi sa marahas na krimen. Isang lalaki ang biglang sumugod kina Lorraine at Nicole at pinagsasaksak hanggang sa mamatay ang magkaibigan. Dinala sa pagamutan ang dalawa pero hindi na sila umabot ng buhay.


Agad namang nadakip ang suspek na kinilalang si Michael Manayon, isang kilalang longboarder mula sa Cebu.  Bakit nagawa ng suspek na patayin ang  dalawang biiktima?


Sundan ang kabuuan ng tampok na kasong ito sa bagong episode ng  Imbestigador ngayong October 10, Sabado, 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.