ADVERTISEMENT

Public Affairs

Crime of Passion, Davao City Murder Case, tutukan sa 'Imbestigador' ngayong Sabado!

 


IMBESTIGADOR: CRIME OF PASSION -- DAVAO CITY MURDER CASE
Sa pagganap nina Maureen Larrazabal, Ervic Vijandre at Prince Clemente
August 21, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

 

ADVERTISEMENT

 

Tatlong taon na ang nakararaan nang nahulog ang loob sa isa’t isa nina Cesar Bughao at Jerabel Mandipol. Di nagtagal, sila ay nagsama hanggang nagbunga ng isang supling ang kanilang relasyon.  Pero ang inakalang matamis na pagsasama, nauwi sa malagim na krimen.

Gabi noong ika-labing tatlo ng Hunyo, inundayan ng saksak hanggang sa mamatay si Jerabel. Naiwan siyang nakahandusay sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Calinan District, Davao City.

Nagtamo ng dalawang saksak sa dibdib at isa sa kanyang tagiliran ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ang salarin, walang iba kundi ang mismong kinakasama ni Jerabel na si Cesar! 

Paano humantong sa madugong pagwawakas ang kanilang pag-ibig? Bakit nagawang patayin ng suspek na si Cesar ang sarili niyang minamahal? 

Abangan ang mga detalye ng kasong ito sa pagganap nina Maureen Larrazabal, Ervic Vijandre at Prince Clemente sa Imbestigador ngayong August 21, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.