Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Silang, Cavite senior citizen murder case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


 


IMBESTIGADOR:
LOLO HENYO: SILANG, CAVITE MURDER CASE
Sa pagganap nina William Lorenzo at Art Acuna
October 16, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

 



Tadtad ng saksak at may gilit sa leeg---ganito ang kalunus-lunos na kalagayan ng isang sitenta’y otso anyos na senior citizen nang matagpuan siya sa isang kalye sa Silang, Cavite. Ang biktima ng karumal dumal na pagpatay, kinilalang si Eugenio Enrique o Lolo Henyo.

Sa patuloy na imbestigasyon ng Silang, Cavite police, isang CCTV footage ang napasakamay nila. Sa video, makikita ang isang lalaki na nakabuntot sa biktimang si Lolo Henyo ilang minuto bago siya natagpuang patay. Nahagip ng video ang tila pagtatalo ng dalawa. Ilang saglit pa, biglang inundayan ng saksak ng suspek ang matanda.

Ano ang puno’t dulo ng pagtatalo ng dalawa? Mapanagot kaya sa batas ang taong pumaslang kay Lolo Henyo?

Tutukan ang mga detalye ng kasong ito sa pagganap nina William Lorenzo at Art Acuna sa Imbestigador ngayong October 16, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.