Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang pagpatay sa "Kalihim ng Barangay," sisiyasatin sa 'Imbestigador'


IMBESTIGADOR:

ANG KALIHIM NG BARANGAY

Sa pagganap nina Lotlot de Leon, Ryan Eigenmann at Richard Quan

November 20, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

 

Sa barangay Binanalan, bayan ng Sta Rita sa Samar, isang lalaking notoryus at madalas na nasasangkot sa gulo ang sumugod sa tanggapan ng barangay. Ang suspek, may bitbit na sumpak at patalim.

Ang kanyang puntirya noong araw na iyon, ang kalihim ng barangay na kinilalang si Suzette Palicte, apatnapu’t siyam na taong gulang.

Ang biktima, hinabol ng taga mula sa barangay hall hanggang sa isang palayan.

Saan hahantong ang krimeng ito at ano ang motibo ng suspek sa pagsugod sa biktima?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Lotlot de Leon, Ryan Eigenmann at Richard Quan sa Imbestigador ngayong November 20, 2021, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.