Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Cabuyao City, Laguna homicide case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


IMBESTIGADOR: MAMA CHENG: CABUYAO CITY, LAGUNA HOMICIDE CASE

Sa pagganap nina Nova Villa, Buboy Villar at Elijah CanlasDecember 4, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang


Sa Barangay Pulo, Cabuyao City, Laguna, isang babaeng Japanese national ang natagpuang nakatali ang mga braso at paa, may tuwalya sa mukha at wala nang buhay sa loob mismo ng kanyang tahanan.

Ang biktima sa brutal na pagpatay, kinilalang si Reiko Maezawa, walumpu’t dalawang taong gulang na mas kilala sa tawag na Mama Cheng. Sa resulta ng medico legal report, lumalabas na "asphyxia by suffocation" o kawalan ng hangin ang naging dahilan ng pagkamatay ni Mama Cheng. Nawawala rin ang ilan sa kanyang gamit at alahas.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, natuklasan ang isang butas sa kisame sa labas ng bahay ng biktima. Ito raw ang posibleng pinasukan ng mga suspek. Napasakamay din ng mga otoridad ang kopya ng CCTV malapit sa pinangyarihan ng krimen kung saan nahagip ang dalawang lalaki .

Ano ang kinalaman nila sa karumal-dumal na pagpatay kay Mama Cheng?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Nova Villa, Buboy Villar at Elijah Canlas sa Imbestigador ngayong December 4, 2021, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.