ADVERTISEMENT

Public Affairs

Ormoc City homicide case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'

IMBE

STIGADOR

ORMOC CITY HOMICIDE CASE

ADVERTISEMENT

Sa pagganap nina Polo Ravales, Vin Abrenica at Joseph Bitangcol
January 1, 2022, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

Parang hayop na kinatay--ganito ang sinapit ng isang lalaki sa siyudad ng Ormoc sa Leyte. Sa tindi ng mga saksak at taga, halos maputol ang katawan ng biktima.

Ika-pito ng Nobyembre taong dalawang libo at labing siyam, pauwi na sa kanilang bahay sa Barangay Liloan, Ormoc City ang biktimang kinilalang si Aljober Bautista, tatlumpu’t apat na taong gulang. Sa kanyang paglalakad, sinundan at hinabol siya ng taga ng dalawang lalaki. Nang naabutan ang biktima, walang awa at makailang beses siyang pinagtataga hanggang sa mapatay.

Sa postmortem examination na ginawa ng City Health Office ng Ormoc,  hemorrhagic shock mula sa labis na pagdurugo na dulot ng mga saksak at taga sa katawan ang naging dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Mahuli kaya ang dalawang suspek na sangkot sa brutal na pagpaslang kay Aljober?

Abangan ang buong kwento sa pagganap nina Polo Ravales, Vin Abrenica at Joseph Bitangcol sa Imbestigador ngayong January 1, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.