Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Makati City shooting case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'



IMBESTIGADOR: MAKATI CITY SHOOTING CASE

Sa pagganap nina Neil Ryan Sese at Archie Adamos
January 15, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang


Ala-una ng madaling araw noong ika-tatlumpu ng Nobyembre nitong nakaraang taon, isang lalaki ang nahulog mula sa ikapitong palapag ng gusali sa Legaspi Village, Makati City.

Ilang tauhan ng Makati City Police ang agad nagpunta sa pinangyarihan ng krimen. Nang makarating ang mga pulis, naabutan nila ang nakahandusay at duguang bangkay ng biktima.

Ayon sa mga pulis, maliban sa bali ang kanang kamay ay may tatlong tama ng bala ng baril sa katawan ang lalaki. Sa inilabas na resulta ng autopsy report ng Makati City Police, gunshot wound at blunt force trauma of the trunk and right upper extremity ang naging dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Kinilala ang biktima na si Ronald Tolo, tatlumpu’t walong taong gulang at nagtatrabaho bilang janitor at maintenance staff ng gusali kung saan siya nahulog.

Ano ang kwento sa likod ng karumal-dumal na pagkamatay ni Ronald at sino ang nasa likod ng krimen?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Neil Ryan Sese at Archie Adamos sa Imbestigador ngayong January 15, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.