ADVERTISEMENT

Public Affairs

Palawan murder case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'

L

ALAKI SA SAKO: PALAWAN MURDER CASE

Sa pagganap nina Ian de Leon, Richard Quan at Alma Concepcion

April 9, 2022 Sabado 4:45pm

 

ADVERTISEMENT


(ACTUAL PHOTO)


Nito lamang ika-labinglima ng Marso, habang naglalakad ang isang mag-asawa sa Barangay Sta. Lourdes, Lungsod ng Puerto Princesa sa Palawan, isang masangsang na amoy ang umagaw sa kanilang atensyon na nagmumula sa isang bangin.

Nang silipin ito ng mag-asawa, nagimbal sila nang makita ang isang sakong tila may nakausling mga paa ng tao.
Sa pagdating ng Puerto Princesa police, nakumpirmang isang bangkay ng lalaki ang nasa loob ng sako.

Sino ang biktima at paano niya sinapit ang karumal-dumal na krimen?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Ian de Leon, Richard Quan at Alma Concepcion sa Imbestigador ngayong April 9, 2022, Sabado 4:45 ng hapon.