Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pangasinan massacre case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


 


PANGASINAN MASSACRE CASE
Sa pagganap nina Lara Morena, Dayara Shane at Jon Lucas

May 7, 2022 Sabado 4:45pm

Malagim ang sinapit ng mag-iina sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Lagasit, San Quintin, Pangasinan nito lamang ika-22 ng Abril.

Tatlong biktima ang natagpuang tadtad ng saksak at naliligo sa sariling dugo. Kinilala sila na sina Crystaline alyas Matet Lichaoco, tatlumput anim na taong gulang at mga anak niya na sina Ashley, sampung taong gulang at Jacob anim na taong gulang.

Ayon sa medico legal report na inilabas ng Pangasinan Crime Laboratory, dalawampu’t walong saksak ang tinamo ng inang si Matet, limang saksak naman ang tinamo ni Ashley habang isang saksak sa leeg ang tumapos sa buhay ng bunsong si Jacob.

Paano sinapit ng mag-anak ang brutal na kamatayan at sino ang nasa likod ng masaker?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Lara Morena, Dayara Shane at Jon Lucas sa Imbestigador ng