Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Fairview frustrated murder and murder case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


Want to see the E22 local results for ? Click location.

 


FAIRVIEW FRUSTRATED MURDER AND MURDER CASE
Sa pagganap nina Smokey Manaloto, Glenda Garcia, Kaloy Tingcungco at Sandro Muhlach

May 14, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

Umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril sa Fairview, Quezon City noong ika-labingwalo ng Marso taong kasalukuyan. Isang armadong lalaki ang biglang nag-amok sa isang bahay at pinagbabaril ang tatlong miyembro ng isang pamilya.

Tinamaan ng dalawang bala ng baril sa sikmura at tagiliran ang dalawampu’t tatlong taong gulang na si “Carl”. Isang tama naman bala sa dibdib ang tinamo ng kanyang kapatid na si “Christian”, dalawampu’t isang taong gulang. Habang ang kanilang tiyahin na si Mariel, nagtamo ng isang tama ng baril sa kaliwang braso at dalawang daplis sa braso.

Sino ang lalaking nag-amok at ano ang motibo niya sa pamamaril sa magkakaanak? Makaligtas kaya sila sa bingit ng kamatayan?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Smokey Manaloto, Glenda Garcia, Kaloy Tingcungco at Sandro Muhlach sa Imbestigador ngayong May 14, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.

 

Find the latest news

Choose your candidates and print out your selection.

Find out your candidates' profile

Voter Demographics

Find out individual candidate platforms