Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Davao City double murder case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


 

 


DAVAO CITY DOUBLE MURDER CASE
Sa pagganap nina Mikoy Morales, Arra San Agustin at Sue Prado
June 18, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang


Ang simpleng away mag-asawa, paano naging mitsa sa kamatayan ng isang mag-ama?

Alas diyes ng gabi noong a-trese ng Mayo, nakarinig ng boses ng babaeng humihingi ng saklolo ang isang residente sa Barangay Matina Aplaya, Davao City. Dali-daling pinuntahan ng kapitbahay ang bahay ng mga Manrique kung saan nanggagaling ang ingay.

Pero pagpasok niya sa bahay, tumambad ang wala ng buhay na mag-amang Panfilo at anak niyang si Geraldine.

Noong gabing iyon, tatlong paslit ang nakasaksi sa malagim na krimen – sila ang mga apo ni Panfilo.

Ano ang nasaksihan ng mga batang saksi? Paano ito nauwi sa pagpaslang sa mag-amang Panfilo at Geraldine Manrique?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Mikoy Morales, Arra San Agustin at Sue Prado sa Imbestigador ngayong June 18, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.