ADVERTISEMENT

Public Affairs

‘Bata sa tabing-ilog’, sisiyasatin sa 'Imbestigador'

 

 


BATA SA TABING-ILOG

ADVERTISEMENT

Sa pagganap nina Sheryl Cruz at Migs Villasis
July 16, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

 

Sa murang edad, kinailangang magbanat ng buto ng sampung taong gulang na si “Clarisse’. Ayon sa kanyang ina, kahit bata pa, responsable ang kanyang bunsong anak. Para buhayin silang mag-iina, sinalo ni “Clarisse” ang pagbebenta ng balut matapos sumailalim sa operasyon ang ina. 

Pero noong ika-23 ng Mayo, matapos magtinda, hindi na muling nakauwi sa kanila si “Clarisse”. Puspusan siyang hinanap ng kanyang ina pero hindi siya nakita.

Hanggang kinaumagahan, natagpuan ang bangkay ng isang biktima sa tabing-ilog sa Santiago City, Isabela. Kalaunan, natukoy na si “Clarisse” ang natagpuang bangkay.

Ano ang sinapit ni “Clarisse”? Sino ang salarin sa karumal-dumal na krimen?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Sheryl Cruz at Migs Villasis sa Imbestigador ngayong July 16, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.