Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Antipolo double murder case, sisiyasatin sa ‘Imbestigador’


 

 

MANLILIGAW: ANTIPOLO DOUBLE MURDER CASE
Sa pagganap nina Mickey Ferriols, Hannah Arguelles at Leandro Baldemor

July 23, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

 

Masayang nagdiwang ng kanyang ika-labing siyam na taong kaarawan ang dalagang si Arabella Bellena nitong ika-dalawampu’t walo ng Mayo. Walang nag-akalang ang kasiyahan, mauuwi sa  malungkot at malagim na katapusan. Kinabukasan, sa pasilyo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, nadatnan ng Antipolo City Police ang duguang katawan ni Arabella, tadtad ng mga saksak ang dalaga. Nang pasukin ang isa pang kwarto, natagpuan naman ang bangkay ng ina ni Arabella na si Lezel Bellena. Paano sinapit ng mag-ina ang brutal na pagpatay?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito ngayong Sabado, July 23, 4:45pm sa programang patuloy na nangunguna at sinusubaybayan tuwing Sabado ng hapon... ang Imbestigador! 


IMBESTIGADOR, TV NA, ONLINE PA!

Simula ngayong Sabado, July 23


Simula ngayong July 23, bukod sa telebisyon, masusubaybayan na rin ang Imbestigador online sa pamamagitan ng livestreaming. Puntahan lamang ang official Youtube account ng GMA Public Affairs at Facebook pages ng Imbestigador, GMA Public Affairs at GMA Network tuwing Sabado, 4:45pm. Huwag tatantanan sa telebisyon at pakatutukan  online! 

Tags: Imbestigador