Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Cagayan de Oro rape and murder case, sisiyasatin sa ‘Imbestigador’


 

MAGKASINTAHAN: CAGAYAN DE ORO RAPE AND MURDER CASE
Sa pagganap nina Paul Salas, Krystal Reyes, Rob Sy at Joseph Bitangcol

August 20, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

Livestreaming on Youtube: GMA Public Affairs and Facebook: Imbestigador, GMA Public Affairs and GMA Network

Sa Cagayan de Oro City, ang dapat sana’y masayang pagkikita ng magkasintahan, nauwi sa malagim na trahedya.

Ika-17 ng Hulyo nitong taon, isang babaeng nanghihina ang humingi ng saklolo sa Coastal Road sa Barangay Lapasan. Matapos nito, dinala niya ang mga otoridad sa isnag lugar kung saan natagpuan nilang wala ng buhay ang kanyang nobyo. Tadtad ng saksak, nakatihaya at walang damit pang-itaas. Bagamat nakaligtas ang babaeng biktima, may matindi rin pala siyang pinagdaanan.

Ano nga ba ang tunay na sinapit ng magkasintahan? Sino ang mga nasa likod ng krimen?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Paul Salas, Krystal Reyes, Rob Sy at Joseph Bitangcol sa Imbestigador ngayong August 20, 2022, Sabado 4:45PM sa GMA at livestreaming sa official Youtube account ng GMA Public Affairs at Facebook pages ng Imbestigador, GMA Public Affairs at GMA Network.