Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Galamay ng Karagatan' ngayong Sabado, 10:30 PM, sa 'I-Witness'


"Galamay ng Karagatan " 
I-Witness Kara David Team
Airing Date: July 5, 2014



Isang paraiso ang tila ikinubli ng mga kabundukan ng Sierra Madre. Taglay ng bayan ng Palanan, Isabela ang hindi matatawarang yaman ng kalikasan: mayayabong na kagubatan, luntiang kabundukan at dalampasigang nagsisilbing lagusan sa mayamang karagatang Pasipiko.  Walang kalsadang nagdudugtong sa bayang ito patungo sa ibang bayan. Tanging sa pamamagitan ng himpapawid at karagatan ang daan para marating ito.  

 

Kanlungan ng tribong Agta ang isa sa mga barangay ng Palanan, ang Brgy. San Isidro.  Kilala ang mga Agta bilang mga mangangaso: ginagalugad ang kagubatan para sa pagkain, para sa kanilang mga tahanan, para sa halos lahat ng kanilang pangangailangan.  Nakaugat na ang kanilang mga buhay sa kanilang kapaligiran.  Kaisa nila ang kalikasan.

Dito nakilala ni Kara David ang siyam na taong gulang na si Redentor Chavez, isang batang Agta na sumasama sa kanyang ama sa  panghuhuli ng mga pugita.  Ang alam ni Redentor, karugtong na ng buhay nila ang karagatan.  Kaibigan kung ituring ng mga Agta ang karagatan. Ngunit minsan, ang kanilang kaibigan, maaaring maging kalaban.

Ngayong Sabado sa I-Witness, sisisirin ni Kara David ang karagatang Pasipiko para sa isang delikadong kabuhayan. Mahuli kaya nila ang makapit na nilalang ng karagatan? 


Mapapanood ang “Galamay ng Karagatan” sa GMA7 ngayong Sabado, July 5, 2014, 10:30pm, pagkatapos ng Celebrity Bluff. Para sa mga komento, i-tweet si Kara David, @karadavid at ang I-Witness, @IWitnessGMA. 


At the Mercy of the Sea

Lush. Bountiful. Remote. Palanan, Isabela was known and remains to be described as a rich environment, a secluded paradise facing the Pacific. Many of its communities remain inaccessible by road transport; one of which is home to the indigenous Agta group, Brgy. San Isidro. Agtas are historically known to be foragers: they hunt the wilderness for food, for their house, for their subsistence. Their lives are rooted to their environment. They are simply in harmony with nature.

In this sleepy barangay, Kara David meets Redentor Chavez, a nine-year-old Agta who hunts octopus with his father. The sea has been part of their lives for as long as the young boy can remember. It has been a friend to the Agtas…but a friend who can turn into a foe.

This coming Saturday on I-Witness, Kara David tries a livelihood that is no easy feat. Octopus hunting requires good diving skills, agile feet, and a knack for strangling the powerful tentacles of an octopus. Will Redentor catch this slippery sea creature? Will the Pacific waters be on their favor?

Watch “The Tentacles of the Seas” on GMA 7 this Saturday, July 5, 2014, at 10:30pm, after Celebrity Bluff. For comments, tweet Kara David, @karadavid and I-Witness, @IWitnessGMA.