ADVERTISEMENT

Public Affairs

'14 Minutes: The Search For Rosemary Martell', dokumentaryo ni John Consulta, ngayong Sabado sa 'I-Witness'

14 Minutes: The Search For Rosemary Martell
I-Witness

Host: John Consulta
May 7, 2022




ADVERTISEMENT

Mababakas ang matatamis na ngiti sa mga larawan ni Rosemary at ng kanyang asawa. Nagkakilala sila sa America noong 2012, ikinasal makalipas ang tatlong taon at biniyayaan ng dalawang anak. Pero ang kanilang masayang pagsasama --- natuldukan sa misteryosong pagkawala ni Rosemary noong September 27, 2019. At ang susi para malutas ang kaso --- nakasalalay daw sa labingapat na minutong hindi nahagip ng CCTV camera.

Malaki ang naging papel ng mga nakalap na CCTV footage ng National Bureau of Investigation o NBI. Nagsimula ito sa araw ng sinasabing pagkawala si Rosemary. Dinala sila ng kanilang imbestigasyon mula sa bahay ng biktima sa Paranaque hanggang sa Batangas. Pero pagdating sa bayan ng Tanauan, nawala sa mata ng CCTV ang pulang sasakyan na pag-aari ng mag-asawa. Makalipas ang labingapat na minuto, muli itong nahagip ng CCTV at ang direksyon ng sasakyan, pabalik na ng Maynila.

Sino ang nagmamaneho ng nasabing sasakyan? Ano ang pakay nito sa pagpunta sa Batangas? At ano posibleng naganap sa loob ng labingapat na minuto na sinasabing susi sa kaso ng pagkawala ni Rosemary Martell?

Sa kauna-unahang I-Witness documentary ni John Consulta na “14 Minutes: The Search For Rosemary Martell,” tampok ang isang misteryosong pagkawala na nagbukas ng imbestigasyon hindi lang sa NBI kundi maging sa Federal Bureau of Investigation o FBI sa Amerika. Tunghayan ang buong episode ngayong Sabado, May 7, 2022, 10:40 PM sa GMA 7.

English PR

Photos of Rosemary with her husband depicted a perfect marriage. They met in the US in 2012, tied the knot after three years and were blessed with two kids. But everything came to an end with the mysterious disappearance of Rosemary on September 27, 2019.

As the National Bureau of Investigation (NBI) attempts to solve the case, they collate more than a hundred CCTV footage dating back to when Rosemary allegedly disappeared. From Paranaque where the couple lived, their investigation brings them to Batangas. But upon reaching the town of Tanauan, the red vehicle owned by Rosemary and her husband disappears from the eyes of the CCTV for 14 minutes.

What happened within these crucial minutes that were not accounted for? This pressing question alerted both NBI and the Federal Bureau of Investigation in the United States.

Watch John Consulta's first ever documentary for I-Witness: "14 Minutes: The Search For Rosemary Martell" this Saturday, May 7, 2022, 10:40pm on GMA 7.#