Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Little Manila', dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


I-WITNESS
“Little Manila: Pinoys sa New York”
Host: Howie Severino
Airing: August 13, 2022

 

 

Ang Little Manila ay isang natatanging komunidad ng mga Pilipino sa Amerika. Matatagpuan ito sa masikip pero makulay na distrito ng Queens sa lungsod ng New York. Noong umpisa ng pandemya, napakaraming Pilipino sa lugar na ito ang tinamaan ng COVID-19.

 


Binisita ito ni Howie Severino kasama ang cameraman na si Marco Lopez para kumustahin ang komunidad na bumabangon hindi lang mula sa sakit kundi sa anti-Asian hate sa mga Asyano na kumalat tulad ng virus.

 


Nalaman ni Howie na mula pa noong bumisita roon si Jose Rizal sa kaisa-isang biyahe niya sa Amerika noong 1888, talamak na ang diskriminasyon laban sa mga Asyano. Si Rizal mismo, pinababa lang ng barko matapos siyang ilagay sa quarantine ng pitong araw.

 

 

Ang nagpapadali sa paghilom ng Little Manila ay ang mga Pilipinong nag-organisa para isulong ang pagtataguyod ng street sign dito. Ito ang sumisimbulo na ang mga Pilipino ay tunay nang bahagi ng bansang naging bagong tahanan na nila.

Samahan si Howie Severino sa kanyang pinakabagong I-Witness documentary na “Little Manila: Pinoys sa New York” ngayong Sabado, August 13, 10:30pm sa GMA.

English

Little Manila is a Filipino community in America like no other. Located in the  dense and diverse Queens borough of New York City, Little Manila was hit hard by Covid, with many Filipino casualties in the pandemic’s earliest months.

Howie Severino travels to Little Manila with cameraman Marco Lopez to find a community rising from trauma,  but also still reeling from the anti-Asian hate that spread like a virus.

Howie learns that Filipinos endured racism as early as Jose Rizal’s only visit to America in 1888 when he was quarantined for seven days on a boat before being allowed to disembark.

As Little Manila recovers, local residents organize to lift morale and build solidarity through a visible marker. It formalizes what Filipinos in New York have long pined for – a community they can call their own.

 

Howie Severino’s latest I-Witness documentary, “Little Manila” airs this Saturday, 10:30pm after Daddy’s Gurl on GMA 7.#