ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Alcantara, Hagedorn and Poe on 'Kandidato 2013' this Thursday
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
KANDIDATO 2013: SENADOR
Airing Date: April 18, 2013
Ngayong Huwebes ng gabi sa GMA 7 sina Samson Alcantara, Edward Hagedorn at Grace Poe naman ang sasabak sa matinding pagtatanong nina Arnold Clavio at Malou Mangahas sa KANDIDATO 2013: SENADOR.
Isang abogado, manunulat, guro at presidente ng partidong Social Justice Society si Samson Alcantara. Unang subok niya ito sa pagtakbo bilang senador at marami na siyang nais isulong kabilang ang Anti-Dynasty Bill. Ngunit bakit may mga isyu na siyang kinasasangkutan kahit hindi pa siya nauupo sa pwesto? Bakit nga ba niya inireklamo ang SWS at Pulse Asia? Ano ang nga ba ang dahilan ng Abakada Partylist controversy? Bilang isang guro, may magagawa kaya siya sa tumataas na bilang ng mga Pilipinong guro na mas pinipiling magturo sa ibang bansa?
Ginulat ni Puerto Prinsesa City Mayor Edward Hagedorn ang kaniyang pamilya at mga taga-suporta nang maghain siya ng kaniyang kandidatura sa pagka-senador. Bilang isang "surprise candidate", ano ang nagtulak sa kaniya para tumakbo sa senado? Binansagang "Pambansang Mayor", bakit mas pinili niyang tumakbo bilang independent sa kabila ng alok ni dating Pangulong Joseph Estrada na sumali sa UNA? Kilala sa kaniyang mga adbokasiya sa pangangalaga sa kalikasan, anong mga panukala ang plano niyang isulong sa senado sakaling palarin ngayong eleksyon?
Si Mary Grace Poe-Llamanzares o Grace Poe, sapat na nga ba ang karanasan bilang dating chairman ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB para pasukin ang senado? Paano nga ba siya kakawala sa anino ng kanyang yumaong amang si FPJ? Paano niya haharapin ang tanong kung nais lang ba niyang iganti ang kanyang ama dahil sa diumano’y dayaang naganap nang tumakbo siya sa pagka-pangulo? At ang kontrobersyal na paglabas ng istorya ng kanyang buhay sa isang drama anthology show, premature campaigning nga ba gaya ng naging reaksyon ng maraming netizens?
Samahan sina Arnold Clavio at Malou Mangahas na kilatisin ang mga kandidato sa pagka-senador. Huwag palampasin ang KANDIDATO 2013: SENADOR ngayong Huwebes, ika-18 ng Abril pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.
Airing Date: April 18, 2013
Ngayong Huwebes ng gabi sa GMA 7 sina Samson Alcantara, Edward Hagedorn at Grace Poe naman ang sasabak sa matinding pagtatanong nina Arnold Clavio at Malou Mangahas sa KANDIDATO 2013: SENADOR.
Isang abogado, manunulat, guro at presidente ng partidong Social Justice Society si Samson Alcantara. Unang subok niya ito sa pagtakbo bilang senador at marami na siyang nais isulong kabilang ang Anti-Dynasty Bill. Ngunit bakit may mga isyu na siyang kinasasangkutan kahit hindi pa siya nauupo sa pwesto? Bakit nga ba niya inireklamo ang SWS at Pulse Asia? Ano ang nga ba ang dahilan ng Abakada Partylist controversy? Bilang isang guro, may magagawa kaya siya sa tumataas na bilang ng mga Pilipinong guro na mas pinipiling magturo sa ibang bansa?
Ginulat ni Puerto Prinsesa City Mayor Edward Hagedorn ang kaniyang pamilya at mga taga-suporta nang maghain siya ng kaniyang kandidatura sa pagka-senador. Bilang isang "surprise candidate", ano ang nagtulak sa kaniya para tumakbo sa senado? Binansagang "Pambansang Mayor", bakit mas pinili niyang tumakbo bilang independent sa kabila ng alok ni dating Pangulong Joseph Estrada na sumali sa UNA? Kilala sa kaniyang mga adbokasiya sa pangangalaga sa kalikasan, anong mga panukala ang plano niyang isulong sa senado sakaling palarin ngayong eleksyon?
Si Mary Grace Poe-Llamanzares o Grace Poe, sapat na nga ba ang karanasan bilang dating chairman ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB para pasukin ang senado? Paano nga ba siya kakawala sa anino ng kanyang yumaong amang si FPJ? Paano niya haharapin ang tanong kung nais lang ba niyang iganti ang kanyang ama dahil sa diumano’y dayaang naganap nang tumakbo siya sa pagka-pangulo? At ang kontrobersyal na paglabas ng istorya ng kanyang buhay sa isang drama anthology show, premature campaigning nga ba gaya ng naging reaksyon ng maraming netizens?Samahan sina Arnold Clavio at Malou Mangahas na kilatisin ang mga kandidato sa pagka-senador. Huwag palampasin ang KANDIDATO 2013: SENADOR ngayong Huwebes, ika-18 ng Abril pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.
More Videos
Most Popular