ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pasko ng TVJ at ni Ryzza Mae sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patuloy pa rin ang pagiging numero uno ng Eat Bulaga sa pangunguna nina Tito, Vic & Joey. Katunayan, espesyal ang taong ito kung kailan inadapt ang longest running noontime show sa pamamagitan ng Eat Bulaga Indonesia. Sa kabila ng tagumpay na ito, hindi pa rin nakaligtas ang TVJ sa kanya kanyang intriga sa taong ito. Aalamin ni Jessica Soho kung kumusta ang magiging Pasko ng TVJ at abangan ang muling pagkikita ng yaya ng pamilya Sotto na si Nanay Bising. Madalas sa almusal at sa mga may sakit inihahain ang arrozcaldo. Pero alam nyo bang ito rin ang paboritong ihanda ng iba tuwing Noche Buena? Tikman ang arrozcaldo ng Bataan na imbes na manok, bangus ang gamit na sahog. At para sa mga nagdi-dieta, tikman ang brown rice arrozcaldo. Walang duda, taon ngayon ni Little Miss Philippines Ryzza Mae Dizon.  Sa unang taon na mas masagana ang kanilang pamumuhay, mamamahagi sa kanyang fans si Ryzza ng Christmas cookies na siya rin ang gumawa. Tinapay na pinahiran ng mantikilya at binudburan ng asukal, ito ang paborito nating ensaymada! Pero ang meriendang Pinoy na ito mas pinasarap ngayon. Meron ng ensaymada na may queso de bola, parmesan cheese at kung hindi ka pa nagsasawa sa regular sized ensaymada, nariyan din ang naglalakihan nitong bersyon. Tikman ang mga ensaymadang talaga namang katakam-takam! Isa sa mga nirerespetong character actor sa industriya ng pelikulang Pilipino, si Soliman Cruz. Kamakailan lang, kumalat ang balita, palaboy-laboy na lang daw ito sa Maynila. Diumano, lagi itong lasing at tila wala sa sarili. Kinumusta ni Jessica Soho ang kalagayan ng beteranong aktor at kung paano na ang darating niyang Pasko. Abangan ang 'Kapuso Mo, Jessica Soho' ngayong Linggo, 7:45 PM sa GMA Ch. 7!